Roxas' Privilege Speech on Con-AssWang

Sa probinsiya ko, sa Capiz, kilala namin ang ASWANG. At ang pinaka-mabisang panlaban sa mga ASWANG ay bawang.

Ngayong umaga, nag-desisyon ako na isuot ang kwintas ng bawang na ito para maitaboy ang ASWANG na tinatawag na Constituent Assembly o CON-ASSwang.


Kagabi ay kitang-kita natin ang kaaswangan nila. Balak nilang amyedahan ang Saligang Batas nang hindi kasama ang Senado. Pero pinapaalala ko lang sa kanila na noong a-kinse ng Disyembre nitong nakaraang taon, ipinasa na natin dito sa Senado ang isang resolusyon na labag sa Saligang Batas ang balakin ng Kamara.

Para tumibay lalo ang loob ng Senado, pinadalhan ko din ang mga kagalang-galang na mga kasamahan dito sa Senado at sa Kongreso na buong-tapang na nilalabanan ang Con-ASSWANG na ito

Itong Cha-Cha na ito, patay na pero pilit na binubuhay pang muli. Wala nang katawan, wala nang suporta ng taumbayan, pero pilit na binubuhay muli.

Madame President, noong isang lingo, buong ngiti kayo kasama ang mahigit na dalawandaang miyembro ng Kongreso na kasapi ng Lakas-Kampi merger. Lahat nang mga bumoto pabor sa resolusyon na ipasa ang Con-ASSwang na ito ay miyembro ng iyong Partidong Lakas-Kampi.

Madam President, walang maniniwala na ang Con-ASSwang na ito ay hindi iyo. Magpakatotoo ka. Ito ay nangyari lamang dahil pinakawalan mo ang Con-ASSwang na ito. You are responsible for this plague that has befallen us.

Ilang milyong Pilipino ang nabubuhay ng wala o kulang ang kanilang gamut, pagkain at edukasyon dahil sa kasakiman sa kwarta't kapangyarihan ng mga aswang sa paligid natin? Lahat nang kalokohang ito - para sa Gloria Forever Constitution!

Pero sa lahat ng pangyayaring ito, hindi ko pababayaang sipsipin nila ng todo ang dugo ng ating taumbayan. Hindi lang bawang ang kailangan natin para labanan ang mga aswang na ito.

Kailangan nating magsama-sama ng taumbayan para labanan ang Con-ASSwang ni Gloria. Ipangako natin muli sa taumbayan na itong Gloria Forever Constitution na ito ay siguradong mamamatay at 'di na mabubuhay para sipsipin pa ang buhay ng ating bansa.

Ngayong araw na ito ay magsasampa ako ng isang resolusyon - a resolution expressing the sense of the Senate asking the President to affirm, CATEGORICALLY, that the House convening itself as a constituent assembly on its own is unconstitutional.

Nananawagan ako kay Pangulong Arroyo na magpakatotoo at patunayan sa buong bayan na hindi siya ang nasa likod nitong Con-ASSwang na ito at utusan ang kanyang mga alipores sa Kongreso na tigilan na ang kalokohang ito.

Madam President, tayuan mo ito o itakwil mo! Magpakatotoo tayo!



About The Blogger
Kevin Ray N. Chua

Kevin Ray N. Chua is a 19 year-old blogger from Cebu City, Philippines and an IT Student at Cebu Institute of Technology.

He is currently the Secretary General of the CIT-SSG.

Know more about the blogger.

Feel free to contact the blogger.
Print
0 Responses So far

Post a Comment

Thanks a lot for visiting the Mar Roxas for President in 2010 Blog!

If you have comments, suggestions or reactions in relation with the post, please don't hesitate to write them here. Click here if you want to contact the blogger.

Suggest blog articles about Mar Roxas here. Click here!

Get Involved!





Blog Archive