On the President’s knowledge of the flaws in the NBN deal with ZTE:
Q: Sa hearing ng Senado ngayong araw na ito, kasama na ba sa agenda yung pag-amin ng Pangulo na alam niya may anomalya sa NBN project?
MAR: Siguradong kasama na iyan, at kung hindi naman ako, I’m sure the committee as a whole, hihilingin namin or isa-subpoena namin yung transcript ng kanyang interview. Ang mahalagang malaman dito, kase malaking development ito, ay kailan niya nalaman, at ano ang kanyang ginawa rito.
Q: Ang katwiran ng Presidente ay kahiyaan sa China kapag hindi itinuloy ang kontrata.
MAR: Mahalagang malaman kung ano ba talaga ang nalaman niya. Tsismis lang ba? Ito ba ang pag-report sa kanya ni Neri na “Ma’am, sinuhulan ako rito”? Ano ang kabuuan ng pagkaalam niya? At ano ang ginawa niya matapos n’on? Kase may dahilan naman e, sabihin na “Ang asawa ko, kaoopera lang, ‘di ako makapunta,” pangalawa, hindi naman ito government-to-government, private company ito e. Pangatlo, kaya may Secretary bilang alter-ego ng Pangulo, pwede naman na Secretary o kaya Vice-President ang pinadala roon. In fact, yung pumirma sa panig ng China, vice-president lang ng kumpanya, hindi naman opisyal ng Tsina o chairman ng kumpanya. So parang malabo nang kaunti na kahiyaan ito.
Q: Ano ang pananagutan ng Pangulong Arroyo?
MAR: Palagay ko yung pagiging witness, hindi naman masyado. Ang pananagutan dito kung may nalaman ang pangulo, o kahit sinong opisyal, ng anomalya o isang katiwalian, at wala silang ginawa tungkol dito. Nakita na halos five months na lumipas bago kinansela o sinuspend itong contract, at nangyari lamang iyan dahil sa pagkakaroon na ng mga whistleblowers, nagkaroon na ng mga testigo na may anomalya nga itong kontrata.
Q: So hindi kayo naniniwala na kinansela ito dahil sa mga anomalya?
MAR: Hinde, nakita naman natin na in fact every step of the way, halos ginawa ang lahat para hindi lumabas ang katotohanan. Yung EO 464 ininvoke, hindi sumipot ang mga opisyales, hanggang sa ngayon si Secretary Neri ini-invoke ang executive privilege. Para mapatunayan o maipakita talaga na interesado, seryoso ang Malacañang na malaman ang katotohanan, una, i-revoke ang EO 464; pangalawa, utusan ang mga Cabinet na may kinalaman dito na sumipot at magsabi ng katotohanan; pangatlo, ‘pag kinakailangan, isuspinde itong mga may kinalaman dito para hindi naman makulayan itong kontrata.
Q: E diba yung mga Cabinet officials, mula noong September, sinasabi na walang anomalya rito?
MAR: Iyon ang katuwa-tuwa, kase tumugtog na yung banda, kumakanta na sila ng koro, sabay yung lead singer, iba yung kinanta. Kaya ngayon, nasira na ang mga kinanta nila, kase iba na e, sabi ng lead singer na may alam siya na maanomalya ito, at iyon ang dahilan kaya kinansela ito. Samantala yung koro ng banda – “malinis ito, mabuti ito, mahusay ito.”
Q: Kaya mukhang nag-sinungaling ang lahat ng opisyal.
MAR: Kung opisyal ako, kailangan nang pag-isipan na mag-resign, o kaya magsabi na, “Hinde, ito yung bersiyon ko.” Kase sinabi na for five months, magmula noong nagsimula itong mga hearings, pilit nila sinasabi na mahusay ito, maganda ito, at walang anomalya ito.
Q: Ano sa tingin mo ang dahilan kaya inamin ito ng Presidente?
MAR: Hindi na talaga nating malalaman kung talagang kasama ito, may talking points ba siya diyan, kung may plano ito o nadulas lang. Ang punto dito ay magkaiba na ang istorya ng Pangulo doon sa mga opisyales niya, kaya kailangan malaman natin talaga kung ano ang nangyari. Magkaiba naman ang Pangulo, ang executive branch, sa Senado. Pwede naman na gumawa ng deposition. Wala naman kasing pangangailangan na pumunta pa siya sa Senado. Sabihin lang niya, “Ito yung nagsabi sa akin, ito yung sinabi sa akin, ito ang dahilan kaya tinuloy ko pa rin ang pag-witness ng pirmahan, at itong yung dahilan kaya for five months wala akong ginawa para itigil ang kontratang ito.”
Q: Maaari bang ipatawag ng Senado ang Pangulo?
MAR: Wala pa ‘atang precedent na ganoon, pero pagbigay respeto sa tanggapan ng opisina, sa institusyon ng pagkakapangulo, maaari na hindi naman pumunta sa Senado, pero under oath, pwede niyang sabihin sa abogado niya “Ito yung nalaman ko, ito yung nagsabi sa akin.” What did the President know, when did she know it, and what did she do about it? Iyon ang mga pinakamahalagang tanong dito.
Q: Ano ang nakikita niyong kinabukasan ng Office of the President gawa ng mga problemang ito?
MAR: Malubha ang ating sitwasyon ngayon. Nagmula ito sa mga suhulan. Ang kontrata, nagbunga na ito ng sa abduction. Ngayon ang Pangulo na mismo ang naka-target dito. Ang importante dito ay ibalik ng Pangulo yung kredibilidad doon sa tanggapan ng pagkapangulo. Iyon ang pinakamahalagang tanggapan doon sa pamahalaan natin, at palagay ko, kung gawin nga niya ito, i-suspend niya ang mga opisyales na may kinalaman dito, tanggalin niya yung EO 464, utusan niya ang lahat na pumunta sa Senado o kung saan man at magsabi ng katotohanan, doon, maibabalik niya ang kredibilidad ng kanyang tanggapan.

Post a Comment
Thanks a lot for visiting the Mar Roxas for President in 2010 Blog!
If you have comments, suggestions or reactions in relation with the post, please don't hesitate to write them here. Click here if you want to contact the blogger.
Suggest blog articles about Mar Roxas here. Click here!