Here's the full transcript of Senator Mar Roxas' "I am NOT Sorry" speech in the Senate refusing to apologize for his expletive outburst during the Anti-Charter Change rally last Dec. 12, 2008.
Mr. President, may I take a moment of the chamber’s time to rise on a matter of personal privilege.
Marami nang nasabi mula nang magsalita ako noong rally noong Biyernes. Maraming nabigla sa bugso ng emosyon. May mga nailang o nagalit. May mga nagsasabing mali ang sinabi ko. Binanatan ako ng Malakanyang. Ginamit nila ang kanilang propaganda machine laban sa akin.
Una: gaya noong Biyernes, magsasalita ako nang deretsahan ngayon: I AM NOT SORRY. I am not sorry for speaking my mind and telling the truth as I see it to be. I am not sorry for expressing my real feelings and my rage in behalf of the people whom I love.
Ikalawa: Marami nang nagbigay ng opinyon sa kung paano dapat ako nagsalita o umasal. Irerespeto ko sila. They are entitled to their opinion, and I respect it. Sana, irespeto rin nila ako, at ang pinaglalaban ko. Hindi ako plastik. I AM NOT SORRY.
Ikatlo: Bakit ako magso-sorry? Kung mag-sorry ako, para na ring nag-sorry tayong mga biktima ng korapsyon, tulad ng mga magsasakang ninakawan ng fertilizer. Para na ring nag-sorry ang bawat Pilipino na gutom na walang trabaho, na wala nang makitang pag-asa dito sa ating bansa. Para na ring nag-sorry ang mga Pilipino, na ang tunay na damdamin lamang ay katulad ng sinabi ko.
Ikaapat: Hindi ito tungkol sa salita lamang. Alin ba ang mas nakakailang: ang masakit na salita, o ang masamang gawa? Ang diretsong katotohanan o ang baluktot na kasinungalingan? Ang maruming bibig o ang marungis na kamay at konsensiya?
What are the real issues?
This government has systematically ravaged our political and economic life. This government has twisted our institutions to suit its self-serving interests. This government has torn apart our nation.
Ikalima, at huli: Hindi ko gustong makasakit sa damdamin ng kapwa sa sinabi ko noong Biyernes. Tinukoy ko lang ang tunay na kalagayan ng bansa. Nagpakatotoo lamang ako, at nasa katotohanan ang kaligtasan at kalayaan ng ating bayan. Nasa katotohanan ang pag-asa.
Para sa mga desperado nating kababayan, tatlo lang ang puwede nilang gawin.
Magmukmok, manahimik, at umiyak sa isang tabi.
Umalis, maghanap ng pag-asa sa ibang bansa.
Mamundok. Mag-armas at lumaban.
Ayaw nating mangyari ang mga ito. We do not want our people to suffer in silence, nor to have to leave their families, nor have to take up arms. Kailangan nating kapitan ang katotohanan. Kailangan nating ihiyaw ito. We must shout out the truth so that we can be free. We must break the apathy and the paralysis. Our outrage will move us forward. I must speak of the people’s anguish.
Sabi nga ni Ka Amado Hernandez, isang pambansang alagad ng sining:
Kung wala mang maglalamay sa gabi ng pagbabangon
Lumuha ka nang lumuha’t ang laya mo’y nakaburol
Kasama ng taumbayan, I say: I AM NOT SORRY.
Post a Comment
Thanks a lot for visiting the Mar Roxas for President in 2010 Blog!
If you have comments, suggestions or reactions in relation with the post, please don't hesitate to write them here. Click here if you want to contact the blogger.
Suggest blog articles about Mar Roxas here. Click here!