Transcript of interview with Senator Mar Roxas on DZMM’s ‘Dos por dos’

On the possibility of a Supreme Court reversal in the Neri case:

MAR: Palagay ko mahirap nang palitan pa nila yung kanilang desisyon. Ibig sabihin na dalawa o tatlo ang magbabago ng isip. Iyon ang dahilan kung bakit noong simula pa ay talagang masugid nating minungkahi na yung maganda sana ay yung ‘compromise’ na kung saan inutusan ng Korte Suprema si Neri na humarap doon sa Senado at matatanong namin siya ng isanlibo o dalawanlibong katanungan bukod lamang doon sa tatlong subjudice. Ang sabi ng Korte Suprema noon na itong tatlong katanungang ito ay subjudice na, ‘nandito na sa amin so bigyan niyo kami ng respeto na madedisisyunan namin ito. Samantala, kung may gusto pa kayong tanungin sa kanya e tanungin niyo na siya at ng sa ganoon mahuhusgahan namin yung konsepto ng executive privilege hindi lamang batay dito sa limitadong tatlong katanungan pero kasama na lahat pa ng iba pang sasabihin ni Sec. Neri executive privilege.

Q: Saka ang tingin po ng iba diyan eh parang binigyan na kayo ng tip o cue ni Chief Justice Puno na ganito ang magiging desisyon nito.

MAR: In fact, kung titingnan nyo ngayon yung desisyon na inilabas ng Korte Suprema, yung dalawa o tatlo doon sa dissenting opinion, doon sa minority sa Korte Suprema, sila yung mga tumulak nitong compromise na ito. Siguro basa na nila yung botohan sa loob kaya sinabi nila para mabigyan ng pagkakataon na matanong si Neri, ‘tanggapin niyo na ito.’

Q: So, ibig nyong sabihin Senator Mar, nagkamali o nagkulang ang Senado doon sa pagharap sa problema?

MAR: Well, mahirap na mag finger pointing, pero ang alam ko lang yung posisyon ko noon ay tanggapin natin ito. Siguro ang bawat isa naman ay maaaring magpaliwanag sa kanilang desisyon.

Q: Yung compromise na inaalok ni Chief Justice Puno ay mukhang higit na masasapol doon ay ang Malacañang.

MAR: Actually, yung nasapol ang paghahanap natin sa katotohanan. Iyon ang parang one step back, three steps forward. Biro mo si Neri mauutusan na humarap doon at sumagot sa kahit ano pang itatanong namin. Sa ngayon, hindi na haharap si Neri at parang nawalan pa kami ng kapangyarihan na ipaaresto siya. Parang toothless na yung pag-iimbita dito sa mga guest natin.

Q: Sinasabi ninyo na parang malabo, mahihirapan ang motion for reconsideration. Ano ho ang pinakamagandang gawin ngayon?

MAR: Una, yung mga bahagi ng hearing na mukhang malinaw na ang larawan katulad doon sa abduction ni Jun Lozada, ay maaari nang tapusin at isulat na ung bahagi na iyon. Dito naman sa ZTE proper, yung kontrata mismo, palagay ko masasabi na rin natin na talagang bumaligtad ang NEDA magmula noong Oktubre 2006, na sabi nila dapat hindi gov’t guarantee, dapat hindi utang, dapat BOT, dapat private sector. Sa loob ng tatlo o apat na buwan ay nabaligtad lahat ito. Iyon ay malinaw na malinaw din. Yung pagka-overprice nito, yung testimonya nung tatlo o apat na mga witness ay nasa record na rin lang at masasabi natin na mula sa private sector ay makakakuha pa tayo ng iba pang mga valuation na magpapatunay na talagang sobrang mahal ito.

On the food crisis:

MAR: Dito sa larangan ng pagkain matagal na nating sinasabi na may problema tayo ang problema dito sa atin ay imbes na hinarap ng ehekutibo, imbes na hinarap ng Malacañang na talaga namang may problema tayo either sa supply o kaya sa pagtaas ng presyo, ano sinagot nila? Nag-grand standing lang yang mga iyan. ‘Wala talaga tayong problema pero tataas ang presyo.’ E kaya hindi maintindihan ni Juan dela Cruz yung kalagayan natin ngayon kasi hindi tayo nagpapakatotoo. Ano ba talaga? Noong tayo ay DTI [Secretary] ang bigas ay nasa 20 hanggang 22 pesos lang eh ngayon ay pumapatak na 28 hanggang 30 pesos. Bakit, kung wala namang shortage, bakit tumataas iyon? Inaamin ba ng ehekutibo may price manipulation? Inaamin ba nila na wala silang magawa sa hoarding? Inaamin ba nila na policy talaga nila na pamahalin ang presyo ng bigas? Kung wala tayong shortage, hahayaang tumaas ang presyo, dapat may dahilan yan. At ano ang sinasabi nila? Wala naman e. So, dapat magpakatotoo tayo. Ok lang sabihin na may problema tayo nang sa ganoon makapagsama-sama, tulung-tulong, maghanap ng lutas dito sa problema.

Q: Makapagsasagawa pa ba ng imbestigasyon ang Senado sa mga binanggit ninyo?

MAR: Maari naman siguro magpaimbestiga pero titingnan natin ngayon kung dadalo o anong datos ang dadalhin. Palagay ko makikita natin ngayon yung sinseridad ng ehekutibo para malutas itong mga problema na ito. Yung sa ZTE, o sige isantabi natin yan. O dito na lang sa bigas, palagay ko lahat naman ng ating mga kababayan naghihikahos doon sa sobrang pagmahal ng bigas. Dito sa mga farm inputs, pinag-aaralan natin ngayon iyan, lalong-lalo na yung seeds. sobrang mahal ngayon ng mais, sobrang mahal ngayon ng kopra at oil na ginagamit na substitute sa feeds ng mga hayop. Eh lahat yan sooner or later sa manok at baboy mag-rereflect na rin iyan. Pero ang importante dito ngayon ay huwag lang tayong tapon ng tapon ng pera.

Sa nakaraang food summit, more or less 50 billion pesos ang naka-earmark sa pagharap nito. Unang-una, bagong pera ba iyan? Dagdag ba iyan o yung dating pera na ng agri na ni-repackage lang para sa photo-op? Ano ba itong pera na ito? Saan nanggaling ito? Saan ilalagay ito? Eh kailangan magkaroon muna tayo ng masusing analysis kung ano talagang problema ng sa ganun yung pera natin na limitado ay malagay natin doon sa tamang lugar, hindi lang tapon tayo ng tapon ng pera na sa katapusan wala rin tayong nagamot.



About The Blogger
Kevin Ray N. Chua

Kevin Ray N. Chua is a 19 year-old blogger from Cebu City, Philippines and an IT Student at Cebu Institute of Technology.

He is currently the Secretary General of the CIT-SSG.

Know more about the blogger.

Feel free to contact the blogger.
Print
0 Responses So far

Post a Comment

Thanks a lot for visiting the Mar Roxas for President in 2010 Blog!

If you have comments, suggestions or reactions in relation with the post, please don't hesitate to write them here. Click here if you want to contact the blogger.

Suggest blog articles about Mar Roxas here. Click here!

Get Involved!





Blog Archive