In his column today, August 23, in Abante, Naga City Mayor Jesse Robredo of Kaya Natin! has finally threw his support to Senator Mar Roxas as our next President.
Entitled "Mar for President", Robredo praised Roxas and endorsed him to be our next President in 2010.
Below is the full article that Robredo wrote in Abante:
Oras Na! Roxas Na!
Entitled "Mar for President", Robredo praised Roxas and endorsed him to be our next President in 2010.
Below is the full article that Robredo wrote in Abante:
Ngayong maugong na ang mga balita tungkol sa pagtakbo ng mga kandidato sa eleksyon sa 2010, hayaan ninyo akong ipaliwanag ang aking desisyong tulungan ang aking kasamahan sa Liberal Party na si Senador Mar Roxas.Tell your friends about this and let's spread the support for Mar Roxas!
Sa aking mahigit na 18 taong paglilingkod sa pulitika, samu’t saring problema na ang aking mga nakita sa ating bansa. Bilang isang mayor sa rehiyon ng Bikol, batid ko ang paghihirap na nararanasan ng ating mga kababayan kaya naman pinag-isipan kong mabuti kung sino ang nais kong tulungan at suportahan sa susunod na halalan. Bakit si Mar? Para sa akin, ang susunod na pangulo ay hindi lamang dapat magaling ngunit dapat ito ay matino at may puso para sa mahihirap din.
Magaling ba si Mar? Kung titingnan natin ang kanyang nagawa bilang dating kalihim sa Department of Trade and Industry (DTI) at bilang isang senador, makikita natin na naging maganda ang kanyang nagawa para sa ating bansa.
Halimbawa, noong DTI secretary siya, inayos niya ang pagbibigay ng PEZA permit sa mga palapag ng mga gusali. Ang PEZA ay nagbibigay sa isang negosyo o korporasyon ng mga pribelehiyo kapalit ng pagbubukas nito ng negosyo sa ating bansa. Dati-rati ang mga lupa at lote lamang ang pwedeng maging PEZA at dahil sa ginawa ni Mar nahikayat ang maraming mga call center sa ibang bansa para mamuhunan sa atin at magbukas ng mga call centers dito.
Ngayon, libu-libong mga Pilipino ang nakikinabang dito at patuloy pang dumarami ang trabahong nakaabang para sa bawat Pilipino. Pag may trabaho, may perang pambili ng pagkain, pampaaral sa anak at pambili ng mga gamot. Dahil kay Mar, tunay na ramdam ng libu-libong pamilyang Pilipino ang asenso. Ipinakita ni Mar na hindi lamang siya hanggang salita na siya ay tumutulong sa mahihirap ngunit nagagawa niya itong realidad para sa mga kababayan natin.
Matino ba si Mar? Kung ihahambing natin si Mar sa ilang kasamahan niya sa Top 5 ng mga “Presidentiables” sa nakaraang mga survey ng Pulse Asia, si Mar lamang ang kandidatong hindi nasangkot sa kahit anong katiwalian sa pamahalaan at si Mar lamang ang kandidatong walang nakadikit na tiwaling negosyante.
Nagkausap kami minsan ng isang malapit na kamag-anak ni Mar at sinabi nito na noong si Mar ay DTI secretary, ni hindi sila makapunta sa kanyang opisina at makakuha ng PEZA permit para makapagpatayo ng mga call centers sa Cubao. Kaya kung mapapansin ninyo, ngayon na lamang naglilitawan ang mga call center sa Cubao dahil hindi na si Mar ang DTI secretary na nagbibigay ng PEZA. Ayaw kasi ni Mar na maisip ng mga Pilipino na ginagamit niya ang kanyang kapangyarihan para yumaman ang kanyang pamilya at mga malalapit na kaibigan. Alam naman nating lahat na may isang naghahangad na tumakbong Presidente ngunit hindi man lamang makapagpaliwanag nang maayos kung ginamit nga ba niya ang pera ng taong bayan para makinabang ang kanyang negosyo.
Panghuli, si Mar ang aking Presidente sapagkat naniniwala akong mabibigyan niya ng tamang direksyon ang ating bansa tungo sa hinahangad nating magandang kinabukasan at pagbabago. Kailangan natin ang isang lider na may konkretong paglilingkod na nagawa sa ating mga kababayan at hindi lamang puro daldal at pangako sa mga komersyal sa telebisyon.
Madaling sabihin ng isang kandidato na siya ay para sa mahirap ngunit kung ito ba ay kanyang nagawa o gagawin ay hindi natin masisiguro kaya naman dapat tingnan nating mabuti kung ano nga ba talaga ang nagawa ng mga kandidatong ito. Para sa akin, si Mar ay hindi lamang hanggang salita ngunit napatunyan niya na maayos na paglilingkod ang tunay niyang hangarin sa kanyang pagtakbo sa 2010.
Para sa inyong mga komento, paki-text sa 0922-8570496 o kaya ipadala sa kayanatin@yahoo.com.
Oras Na! Roxas Na!
Sunday, August 23, 2009
| posted in
campaign,
jesse robredo,
kaya natin,
mar roxas,
philippines,
president
|
0 comments
[ More
]