Below is the speech of
Senator Mar Roxas as he accepted the offer of Liberal Party standard bearer
Senator Noynoy Aquino to be his running mate in the 2010 elections. As we move forward, let us continue to support this tandem for change and for reforms:
Maraming maraming salamat po sa inyong lahat. Magandang tanghali po. Happy Holidays to our Muslim brothers.
Salamat, Noynoy, sa tiwalang ipinagkaloob mo sa akin. Salamat sa karangalang maging kasama mo sa paglilingkod sa bayan. Thank you for this opportunity to work with you as we raise the banner of reform. Thank you for the privilege of joining you and all our kababayans in the fight for decency and integrity in public service, and for a government that puts the people’s interest first.
Taos-puso ko pong tinatanggap ang hamon na isulong ang tunay na reporma sa ating bansa.
Taos-puso ko pong tinatanggap ang responsibilidad na maging kabalikat ni Noynoy sa kanyang laban para sa pagbabago.
Taos-puso ko pong tinatanggap ang maging katambal ni Noynoy Aquino.
But this fight is not just about Noynoy and me. It’s bigger than the two of us, it is bigger than the Liberal Party. It is about our collective thirst for change.
It is about our thirst for change finally overcoming those who want to continue the tayu-tayo system, the horse-trading, the greed, the self-interest, the transactional politics that has been the biggest roadblock to progress and prosperity for all.
Tungkol ito sa matuwid laban sa baluktot. Tungkol ito sa tapat laban sa tiwali. Tungkol ito sa tama laban sa mali.
Noy, you have raised the banner. Ito ang bandila ng reporma at pag-asa. Ito ang maglalagay ng pagkain sa mesa, dahil hindi na nanakawin ang pondo ng mga magsasaka. Ito ang magbibigay ng trabaho sa taumbayan, dahil hindi na kokotangan ang mga namumuhunan. Ito ang magpapaabot-kaya sa presyo ng gamot, dahil hindi na makikipagsabwatan sa mga abusadong pharmaceutical companies.
My friends, this is going to be a tough battle. We should not be lulled into complacency. We are up against forces who will fight tooth and nail, fair and unfair, legal and illegal, against us. Sa kanila yata, tuloy ang ligaya; sa atin naman, tuloy ang laban.
Kailangan nating isulong ang bandila ni Noy at ng reporma. Mahirap ang laban na ito, pero nasa kamay natin ang ating kapalaran.
Kung bawat araw, ang bawat isa sa atin ay makahimok ng isa pang kasangga natin, tiyak ang ating tagumpay.
Our opponents will exhaust all avenues in order to win. They have been robbing us for so long, and they want to continue robbing us. Pero hindi tayo papayag na manakaw din nila ang ating pag-asa.
Taglay ni Noynoy ang susi ng pagbabago: matapat na puso, malasakit sa kapwa, at pinakamahalaga, pagmamahal sa bayan. Buong-loob kong isinusulong si Noynoy Aquino. I am honored to join him in this field of battle.
To all of us here in this hall and all across this great nation, who are fighting alongside him, make no mistake about it: We will not back down from this fight, not now, not ever.
The fog of cynicism has already lifted from our hearts. Ngayon, puwede na muling mangarap.
Sama-sama tayo. Hindi namin kayo pababayaan. Lalaban tayo!